Linggo, Abril 16, 2017

2x2



Sa mundong ito, kadalasan talagang hindi tumutugma ang expectations natin sa realidad. Gaya ng nakaka-kalahati ka na ng kagat sa siopao wala parin yung palaman. O kaya naman, pagbukas mo ng Chikito, tatlo lang ang garlic-coated peanuts sa loob. Parang tanga si Steve Harvey, mali-mali mag-announce ng Miss Universe. Nauso tuloy ang nakuColumbia. Tapos akala natin mananalo si Clinton. Taragis yan. Ansabe ni Donald Trump?! Antayin na lang natin silang mag-fuck you-han ni Duterte.
Shedda! Always na lang. Blockbuster na naman ang cashier. Sa bagay, para ka rin naman talagang nanuod ng pelikula. Pagdungaw mo kasi sa window, buburanghat sayo si Sadako. Grabeng kasungitan ni Ma’am Cariñosa. Parang sangre na pinaglihi sa simangot. Ang haba ng nguso! Anyare sa pinas? Nakakabanas. Para sa bibente na babayaran ko para sa certificate of grades. Bakit hindi pa kasi libre? Tsk! Mukhang isang oras pa ako dito ah. Teka, ano ‘tong nakaipit sa notebook ko? Pagbuklat ko, para akong nahilo. Ang paningin ko ay nagzoom in at nagzoom out habang naririnig ang gong na wala naman. Sa pagkakaalam ko ang tagal ko na itong dinispatsya. Sinigurado ko na wala na talagang kopya. Pero bakit ganun? Binabalikan ako ng nakaraan.  Taragis naman. Ito yung luma kong 2x2 picture nung high school. Ito ang dahilan kung bakit hate ko ang lintik na Kpop. Kung alam ko lang na hindi sakin bagay ang apple cut na may full bangs… Hindi na nga ako kaputian, dilaw yung uniform namin, tapos ganun pa hairstyle ko. Umasa ako noon na tatawagin nila akong Gum Jandi. Bwisit na Boys Over Flowers na yan. Nauso pa. Nauwi pa rin sa Dora. Kaya mula nun, ayaw ko na ng Kore-korean.

2011. Third year high school ako…

“Domingo at Jerwin, hindi muna kayo pwedeng lumapit kay Cathleen ng may dalawang dipa” ika ni Sir Benson, teacher ko sa Filipino, “dahil kung hindi, ipapatawag ko ang mga magulang nyo.”

Sino sila? Sila lang naman ang dahilan ng ultimate mutant transformation ko sa school. Very history. May chineck lang saglit si Sir Benson sa office kaya naiwan ang section namin na gumagawa ng seatwork. So, busy ako. Nakaupo lang at nagsusulat. Tinabihan ako nitong Jerwin at Domingo. Mga papansin. Kausap ng kausap. Nakakabwisit kaya dinedma ko. At dun nagsimula ang lahat. Inagaw ni Domingo ang singsing ko na nakasuot sa middle finger ko tapos biglang nagpasahan sila ni Jerwin at nagpahabol sakin. Naramdaman kong tumigas ang noo ko. May tumubong sungay ng toro. Maya-maya pa’y umusok na ang ilong ko. Ang singsing na hawak nila ay unti-unting naging pulang tela sa paningin ko. Binuhos ko ang buo kong lakas para maabutan sila. Pero hindi pala sapat. Di hamak naman na mas malaki ako sa dalawang yun kasi mga 4’9 lang sila at 5’2 ako. Pero iba ang taglay nilang bilis at liksi. Malaman-laman ko, sila pala ang bunga nang magsex si Volta at Zeus. Sinasakyan nila ang kidlat. Nagclatter ang mga ngipin ko na parang pagkakadescribe ni Dan Brown sa Inferno. Subalit wala akong magawa. Kaya bumalik na lang ako sa hawla ng aming classroom. Habang ang lahat ay taimtim na nagsusulat, ang mga mata ko ay biglang naging laser eyes. Natunaw ang blackboard. Humiyaw ako na parang batang inagawan ng pacifier. Nagtalsikan lahat ng arm chair na nalapitan ko at nagdugo ang ear drums ng mga kaklase ko. Walang nakalapit sakin. Natakot silang magspread ang virus na nakainfect sakin sa Train to Busan. Pati mga kaibigan ko, hindi ko na narecognize. Bigla akong nakarinig ng malaking boses.

“Ano toh?” ooo-oo-oh! Umecho-echo. Sininghot ko ang sipon kong patulo na. Si Sir Benson pala. Nagzoom-in at nagzoom-out ang paningin ko. May tumunog na gong. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Aysus! Naabutan ni Sir ang World War Z kong tantrums. Napalunok ako ng 12 oz na laway. Naku baka pagalitan ako sa ginawa kong public distraction na mala-Al Qaeda. Tatay ko ata si Osama Bin Laden. Buti na lang, hindi. Hindi ako nagsalita. Hinatulan ni Sir si Domingo at Jerwin ng Temporary Restraining Order. Binigyan nya din ako ng tatlong guards para siguraduhin na hindi na sila makakalapit sakin.

Ay, ako na pala. Himala, good mood si Sadako. Ano to, nakita na nya ang liwanag? Haah-leluya! Haleluya! Haleluya! Inabot ko ang bente pesos at ang request slip. Sa wakas. Sa registrar na ko. Nagmadali ako. Putaakteh! Pila pa rin. Sa bandang unahan, natanaw ko ang dati kong crush. Kasama nya ang girlfriend nya. Biglang dumilim. Nagka-spotlight sa kanila at sakin. Lumamig ang aking katawan na parang bangkay. Napaupo ako sa pila. Akala mo nag-walling na wala namang wall. Ilang saglit pa ay may pumatak sa sahig. Sa bandang kanan ay nadagdagan ng spotlight. Biglang lumabas si Adele at nagtugtog ng piano. I’ve heard that you’re settle down, that you’ve find a girl and you’re married now…Never mind I’ll find someone like you… May pumatak ulit sa sahig. Parang tanga. Hindi yun luha. Laway ko yun. Syempre hindi ko na sya crush. Tsaka, bakit ngayon ko lang napansin na naka-hello pala sa mundo ang nostrils niya? At isa pa, may nagugustuhan na akong iba. Si EDuArd. Pero sa ibang kwento na yun ha.

Ako na. Makikita ko na rin ang grades ko nitong first semester. “Pangalan?” tanong ng babae sa window. “Cathleen po.” sagot ko. May mga pinindot ang babae sa computer. At pagtingin ko sa monitor… Naging Matrix ang lahat. Lumutang ang mga bagay pati yung mga estudyanteng nakapila. Nilukuban ng katahimikan ang paligid. Nagzoom-in at nagzoom-out ang paningin ko sa monitor. Narinig ko na naman ang gong. Tunog ng pagkabigo sa Tawag ng Tanghalan sa Showtime. Ano ba ito? Senyales na dapat na akong tumaya sa lotto o isang bangungot? Una, yung number “2” sa bente ko, pangalawa yung “2” ng 2x2 picture, at ang panghuli ay ang “2.0” sa monitor. Lumuwa ang mga mata ko. At pagbounce back ng spring, tuuut! Medyo nabingi ako. Parang aftershock ng sumabog na nuclear bomb. Ano ang significance ng mga numero na yun? Yun ba ang susunod na jackpot sa lotto o di naman kaya’y katapusan na ng mundo? Yung “222” ngayong araw parang “666”. Hinimatay ako. Mga 2 seconds lang. Naku! Kailangan kong tumakbo at balaan ang lahat. Andyan na ang Apokalipto! Natulala ako. Ano ba ang significance ng ‘dos’ sa buhay ko?

Grade Two ako nang magtransfer sa school namin si Brandon, ang una kong crush. May dalawa akong kapatid at syempre dalawang magulang. May dalawa din akong bestfriend. Dalawa mata at butas ng ilong. Actually, nakuColumbia din nga pala ako nung fourth year high school. Na akala ng lahat magbavaledictorian ako. Pero hindi pala. Pumangalawa lang ako. At isa pa, 2 ang birthday ng naging ka-MU ko kuno nung parehong taon. Suck. Wait, 2 rin ata ang birthday ni EDuArd! Naging emoticon ang mukha ko dun ah, na puso ang mata. Pero higit sa lahat, ang ibig sabihin ng dos ngayon ay ang pagkawala ko sa dean’s lister! Waah! Biglang sumabog ang mga fireworks. Galing yun sa tenga at butas ng ilong ko. Boom! Boom! Boom! Pano na to? Dito na lang ba matatapos ang short story ko? Ang pangit naman.

Bumalik ako sa classroom ng nanlulumo. Ang masiyahin kong mukha ay naging kamukha ni Squidward. Patay na. Hindi na ako mapapansin ng crush ko. Pumutok ang eye balls ko. Pano na rin ang kinabukasan ko-ooo-oo-oh?! Umecho-echo palabas ng atmosphere. Hindi ako maganda at hindi rin ako magaling sa kahit na ano. Honors lang ang meron ako. Ngayon, wala na! Nagulat ang mga kaklase ko. Nalungkot din sila. Lunch time. Hindi ako kumain. Ni hindi makapagsalita.

“Hindi ka naman madedefine ng grades mo. Kaya wag ka masyado magpaapekto.” Sabi ni Jenyrose.
“Hala bakla. Bakit??! You have just been demoted?” talaga tong si Paul, pilit pa akong pinapatawa “ok lang yan. At least alam mo naman sa sarili mo na magaling ka. Isa pa, isipin mo, buti ka nga, isa lang ang dos samantalang ang iba may tres pa!”

Yung mga kaibigan ko talaga. Kahit lagi akong dinadaot, lagi ko pa rin sila naaasahan sa mga ganitong eksena. Kaya ayun. Kinuha ko na lang ang phone ko para magpost ng status sa fb.

Nakakalungkot namang isipin. Kung tutuusin numero lang naman yun… Maya-maya may nagcomment. Teka, si ate Kristel. Natuwa ako sa sinabi nya. Sa totoong mundo, hindi mahalaga ang grades na nakuha mo bilang estudyante. Sa practical pa rin yan lagi nakabatay. Gumaan ang loob sa sinabi nya. Isa na lang ang problema ko. Si mama. Pano ko sasabihin? Siigurado pagagalitan ako.

Pauwi, habang naglalakad ako sa overpass, biglang umambon. Etong baliw kong kaibigan na si Ave inasar-asar pa ako. Umaayon daw  sakin ang universe. Binigyan ng actual na special effects ang pagdadrama ko.

Sa wakas. Nakauwi na rin. Sinalubong ko agad si mama tungkol sa balita. Syempre para hindi na maprolong ang agony ko. Eto ang sabi nya:

“Ayos lang yun. Ayaw mo ba nun? Hindi naman mahalaga ang achievements mo bilang estudyante eh. Ang gagawin mo pagkatapos mo mag-aral, yun ang mas mahalaga. At isipin mo ha, kung makuha mo ang award, mag-eexpect sayo ng mataas ang lahat ng tao. Mas lalo kang mapepressure at madedegrade. College ka naman na. Hindi na kita hinahanapan ng honors. Noon, oo kasi kelangan mo magkaroon ng mga scholarships para makapagpatuloy ka sa kolehiyo. Ang mahalaga ay ang grumaduate ka! Kaya kumain ka! Loko ka ah. Gusto mo bang magkasakit?”

Ayun. Inexpect ko na madi-disappoint si mama. Hindi naman pala. At least may justice yung keme kong introduction. Dito na nagtatapos. Syempre, tuloy ang buhay…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Keen Dork

You won’t read this I bet. This is not worth your while. Though it won’t take more than five minutes of your time, still at the end of ...